Loading Articles!

Baguio: Bilang ng mga college scholars nagdagdagan pa sa probinsiya ng Benguet

2025-04-01T00:17:49Z


By Baguio City – La Trinidad, Benguet – May kabuang 321 karagdagang Benguet college students ang pumira ng kanilang Notice of Award (NOA) at dumalo rin ng orientation bilang mga scholars sa ilalim ng Tulong Dunong Program-Tertiary Education Subsidy o ang TDP-TES sa Cordillera Career Development College noong Araw ng Jueves Marso a 20 ng taong ito. Ang Tulong Dunong program ay isinagawa ng Commission on Higher Education-Cordillera Administrative Region (CHED-CAR), sa pangunguna ni Atty. Septon A. Dela Cruz, CESO III, sa pamamagitan ng UniFAST Unit. Samantala, binati ni Gobernador Diclas ang mga naturang estudyante at binigyang diin ang kahalagahan ng edukasyon sa paghubog ng kanilang kinabukasan. Nagpasalamat din siya sa Cordillera Career Development College o sa CCDC sa kontribusyon nito sa pagpapaunlad ng pamayanan sa pamamagitan ng de kalidad na edukasyon. Samantala, Doctora Sherry Junette M. Tagle, ang Pangulo ng CCDC, ay mainit na tinanggap ang mga estudyante at pinaalalahan sila na magsikap sa kabila ng mga hamon dahil sa sila na ang susunod na mga propesyonal na mag aambag sa pamayanan. Ang mga naturang scholars ay bahagi ng libu-libong college students na nagapply noong nakaraang taon at kwalipikado sa naturang programa ng CHED , sa pamamagaitan ng inisyatiba ni Gobernador Diclas, lahat sila ay nakatakdang tumanggap ng 15 libong piso kada taon. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/Source: PIO-Benguet)

Profile Image Isabelle Moreau

Source of the news:   Rpnradio.com

BANNER

    This is a advertising space.

BANNER

This is a advertising space.