Baguio City: Comelec nagpaalaala sa mga kandidato sa mga tuntunin at patakaran sa panahon ng pangangampanya.
Link copied to clipboard!
2025-04-03T08:36:41Z

(Baguio City) Ipinalala ng Commision on Elections (COMELEC) – Baguio City ang mga tuntunin at patakaran sa panahon ng pangangampanya. Sinabi ni Comelec Baguio Election officer na si Atty. John Paul Martin na isa sa mga itinalagang lugar na maaring maglagay ng campaign materials ay ang sa paligid ng barangay halls. Ngunit, ayon kay Atty. Martin, ang paglalagay ng campaign materials sa mga punong kahoy, poste ng kuryente, sa mga waiting sheds, at iba pang pampublikong gusali ay ipinagbabawal. Sinabi ni Martin na ang Common poster areas ay ang tinatawag na struktura na itinalaga ng Comelec na maaring paglagyan o pagkabitan ng mga campaign materials. Binigyang diin ni Martin na ang standard size ng mga posters, ay 2ft by 3ft ang pinaka maximum size. Samantala, pinalawig pa ng Comelec ang pagrerehistro social media accounts para sa pangangampanya ng mga kandidato hangang Marso a 31, 2025. Ang panahon ng pangangampanya ay magtatapos sa Mayo a 10 ngayong taon. Samantala, ang pangangampanya sa Mahal na Araw tulad ng Jueves Santo at Biernes Santo ay ipinagbabawal. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: Pro-Car)
– 30 –
Link copied to clipboard!
BANNER
This is a advertising space.
BANNER
This is a advertising space.