Baguio City: Department of Tourism and Department of Public and Highways Tourism Road Program (TRIP) mga gawain proyekto sa rehiyon Cordillera patuloy ang ginagawa sa kabutihan ng mga turistang pumapasyal
Link copied to clipboard!
2025-03-28T21:00:09Z

(Baguio City) Marami pang lugar na maari pang mapuntahan ng mga turista sa rehion Cordillera habang ang pamahalaan ay patuloy sa pamumuhunan sa Department of Tourism and Department of Public Works and Highways Tourism Road Infrastructure Program (TRIP). Ito ang iniulat ni Department of Tourism Cordillera Regional Director Jovita Ganongan sa nakaraang Kapihan sa Bagong Pilipinas. Ayon kay Ganongan na magbuhat noong taong 2022 hangang taong 2024, sa ilalim ng pamahalaang ni Pangulong Marcos, may 46.48 kilometro ng tourism road projects sa Cordillera ang napunduhan sa ilalim ng Tourism Road Infrastructure Program na may kabuang P1.838 billion. Iniulat ni Abra Police Provincial Office Director Police Colonel Gilbert Fati-ig na kanilang hinigpitan nila ang hakbang pangseguridad sa kanilang probinsiya habang ang insidente ng krimen ay tumaas ng 32.7 porsiento mula Enero a 12 hangang Marso a 12 ng taong ito. Sinabi ni Fati-ig na kanyang inutusan ang mga tauhan nito na ituon sa panahon na mataas ang panganib at sa kritikal na mga lugar sa probinsiya upang mapag ingat ang kommunidad. Samantala, nanawagan naman si Fati-ig sa mga taga Abra na maging mapagmasid at isumbong sa kinauukulan kung may krimen o masasamang loob na naghahasik ng takot upang agad itong mapahinto ng kapulisan. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIA-CAR)
– 30 – © 2022 Radio Philippines Network, Inc. All Rights Reserved.
Link copied to clipboard!
BANNER
This is a advertising space.
BANNER
This is a advertising space.